
NAGBUNGA na ang pakikipagsapalaran ni Liza Soberano sa Hollywood, bukod sa paggawa ng pelikula ay natanggap na siya bilang isang actress sa Hollywood.
“Rumampa ho siya sa Ho Chi Minh International Film Festival, naimbitahan siya para maging isa sa juror at presentor for best actress ng nasabing Film Festival.
“Ibang level na talaga si Liza ngayon, nagbunga talaga ang lahat ng kanyang pagod at pagsisikap makuha lang niya ang kanyang mga pangarap.
“Naging wise lamang ho siya sa mga naging desisyon niya sa kanyang showbiz career, kaya ngayon ay unti-unti na niyang nakukuha ang mga pangarap niya na gusto niyang marating,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”