May 14, 2024

LITO LAPID, NAGPAMAHAGI NG FOOD PACKS SA BULACAN AT PAMPANGA

NAGKASA ng relief operation ang mga tauhan ni “Supremo” Senador “Lito” Lapid sa Brgy. San Jose, Hagonoy, Bulacan at sa mga bayan ng San Simon at Sasmuan, Pampanga na lubog pa rin sa tubig baha matapos ang bagyong  Egay at pagpapakawala ng tubig mula sa dams.

Nabiyayaan ang libong pamilya ng relief packs na naglalaman ng bigas, noodles, kape at corned beef.

Nagpapasalamat naman ang mga kababayan nating nakatanggap ng food packs mula kay Supremo Senador Lapid.