NALAGPASAN ni Denise’Denden’ Cabilio Santos ng Pilipinas ang sobrang pressure kontra mas eksperyensiyadang cue artist na si Sylvanna Lu ng Indonesia upang pag-reynahan ,9-6 ang prestihiyosong torneo na Lion Cup 9- Ball Invitational Championship sa Singapore nitong nakaraang weekend.
Si Santos,literal na lumaki sa isang billiards environment sa Pateros at isang Bugsy Promotions’ protege ay agad na nagpasiklab sa mesa upang umangat bentahe ang kanyang malakas na breaks upang iposte ang 6-3 kalamangan sa kanilang race – to-9 final showdown laban sa mas beteranang Indon contender na prominenteng pigura sa naturang taunang cue championship sa binansagang Lion City.
Nakaramdam ng panganib na madurog sa pool table,kumamada ng mati ding paghabol si Lu sa mga sumunod na racks tampok ang kanyang pamosong jump cue upang itabla ang laban , 6-all.
Pero iyon na pala ang huling hininga ng bantog na Indonesian pool shark.
Ang Etrepreneurship graduating student ng Polytechnic University of the Philippines na si Santos ay winalis ang nalalabi pang pressure-packed 3- racks upang hablutin ang makinang na 9-Ball crown sa kanyang buwenamanong international pool stint.
“Unexpected po .Pinaghandaan ko ito pero nung makita ko ang lalakas ng kalahok,pinairal ko na lng ang motivation na I’m from the Philippines na iginagalang sa larangan ng billiards.Diskarte ang panalo kontra experience this time “, wika ni Santos via phone interview kasabay ng pasasalamat sa Bugsy Promotions nina Perry and Hadley Mariano,Mezz Cue,My Boo’s Closet Bad Boy Billiards at Aria Pool Things na tumulong ng malaki sa kanyang tagumpay para sa banss.
Nauna dito ,dinaig ni Sylvanna si Jessica Yen Hui Ming ng Cue Sport Singapore sa semis habang pinatalsik ni Denise ang individual entry mula host country na si Ng Yi Huai Suvene sa final four.
Ang Lion Cup crown ni Santos ay lalo pang nagpa- kislap sa mga naunang achievements nito na Amit Cup Championship noong Pebrero at ang PSC Women’s Sportsfest sa Rizal Memorial billiards center kamakailan.
“Wish ko ay matupad ang pangarap ko na makapaglaro para sa bansa like SEAGames,Asiad and World”,ani pa Santos na unang nakapaglaro ng billiards noong kanyang kabataan sa bilyaran ng kanyang amang pool entusiast sa komunidad.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag