December 20, 2024

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD IGINAWAD NG PSA KAY ELMA

TUMANGGAP ng panibagong gawad si long jump queen Elma Muros-Posadas ng Pilipinas sa idinaos na San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association annual awards sa Diamond Hotel kamakalawa ng gabi’ .

Ang  Magdiwang, Romblon pride na kumopo ng 15 ginto sa SEAgames at back-to-back Asian gold medalist ay ginawaran ng Lifetime Achievement Award na pinkamataas na rekognisyon sa isang atleta na ipinagkaloob ng PSA na kasalukuyang pinamumunuan ni  president Rey Lachica ng Tempo.

Ang hepthatlon queen ding si Muros-Posadas ay naging myembro ng Philippine Track and Field kung saan si Elma noon  ang itinuturing na reyna bilang fastest woman.

Ang 55-anyos nang Track queen ay tinanggap ang gawad at kabilang na sa mga  pinagpipitagang elite heroes na sina  Efren ‘Bata’Reyes, Filomeno “Boy”Codiners  Virgilio ”Baby’Dalupan, Ramon Fernandez at Robert Jaworski na mga past awarding institutes.

Si Elma na maybahay ni national athletics coach Jojo Posadas at ina ng dalawang supling ay produkto ng Project Gintong Alay at nagmarka ng kayang pangalan sa long jump kung saan siya naging suprema sa SEAGames at Asiad nang matagal na panahon.

Ang two-time PSA  Athlete of the Year awardee (1993 at 1995) ay naging dalawang beses na Olympian noong 1984  Los Angeles at 1996  Atlanta Olympic Games.