NADAKIP ng tauhan ng Manila Police District ang isang tricycle driver na sinasabing lider ng isang notorious drug group sa Tondo, Manila sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa ng umaga.
Kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Alexander Morales, alyas ‘AJ’, 28, ng 1157 Sandico St., sa nasabing lugar.
Sa ulat ng Moriones Tondo Police Station 2, si Morales ay isang high value target at lider ng ‘AJ Morales Drug Group’.
Ayon kay PCpl, Peralta John Paul, ang suspek ay naaresto dakong alas-7:30 ng umaga nang salakayin ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang kanto ng Sandico at Asuncion Street sa Tondo.
Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa ginagawang ilegal na aktibidades ng suspek.
Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nagawang makipagtransaksyon kay Morales saka nakabili ng iligal na droga. Hindi na nakapalag si Morales nang sunggaban siya ng mga pulis matapos na tanggapin ang marked money sa buyer.
Nakumpiska kay Morales ang ilang plastic sachet ng shabu na may timbang na 45.5 gramo na nagkakahalaga ng P309,400 at ang buy bust money. (ARSENIO TAN)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna