
Umusad na si Leylah Fernandez sa semifinals ng US Open women’s tennis matapos ipanalo ang laban nito sa quarterfinals. Tinalo ng 19-year-old Fil-Canadian netter si fifth-seeded Elina Svitolina ng Ukraine, 6-3, 3-6, 7-6 (5).
Dahil sa big win, tutuntong ang No.73 seed netter sa kanyang unang semifinals Grand Slam. Ang ama ni Leylah ay isang Ecuadorian at Canadian naman ang kanyang ina na may dugong Pinoy.
Umaani na rin ngayon siya ng papuri at paghanga mula sa mga fans. Pumailanlang ang kanyang pangalan buhat nang matalo ang sikat na Japanese tennis star na si Naomi Osaka.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN