GUADALAJARA, MEXICO – Natamo ng SMART/MVP Sports Foundation Philippine Taekwondo Team ang isa pang dagok nang mabigo ang international newbie na si Alfritz Arevalo sa Round-of-64 ng 2022 World Taekwondo Championship nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Centro Acuatico CODE Metropolitano.
Bagama’t bagitor sa World stage, lumaban si Arevalo na isang tunay na mandirigma sa ipinamalas na lakas at tapang sa loob ng apat na nakakapagod na minuto, ngunit nangingibabaw ang karanasan ng kanyang beteranong karibal para makaiskor ng ilang body shots.
“Before the match, may kaba talaga lalo’t overwhelmed ka sa set-up ng stage feeling mo ikaw lang ang pinapanood. But as the fight started ok na ang pakiramdam ko. Maraming chances na makaiskor pero di ko na-execute ng tama. I think the experience really play a lot in this kind of competition,” sambit ng 24-anyos na Marketing graduate mula sa San Beda College.
“Ganito pala ang stage ng World Championship, ngayon alam ko na, and I think I learn a lot from this experience. Ipinagpatuloy ko ang aking programa sa pagsasanay at inihanda ang aking sarili para sa darating na pagpili ng koponan para sa mga kumpetisyon sa susunod na taon,” dagdag ni Arevalo.
Ang kabiguan ay pangalawa para sa delegasyon kasunod ng katulad na 0-2 pagkatalo ng Southeast Asian Games multi-medalist na si Laila Delo kay Vanessa Koerndl ng Germany sa ikalawang araw ng top-tier na aksyon sa pandemic-delayed tournament nitong Martes.
Susunod na sasabak sa mga Pinoy ang Southeast Asian Games veteran Dave Cea kontra Japanese Yasahuro Hamada sa men’s -74kgs sa Huwebes (Biyernes sa Manila). Makakaharap ni Joseph Chua si Niko Saarinen ng Finland sa men’s -63kgs habang si Baby Jessica Canaba ay lalaban sa Bulgarian Selen Gunduz sa women’s -43kgs na nakatakdang labanan sa Biyernes (Sabado sa Manila).
Tatapusin ng beterano ng Tokyo Olympics na si Kurt Bryan Barbosa ang kampanya ng Philippine Team dito na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa Sabado (Linggo sa Manila) sa kanyang paghaharap kay Sanoh Lancery ng Republic of Guinea.
“Dark horse sa team sina Dave (Cea) at Baby (Canaba). I’m still confident that the team can still pull off some surprises with the experiences of Joseph (Chua) and Kurt (Barbosa),” sambit ni team manager Rocky Samson.
Sa Day 3, ang paborito ng bayan na si Daniela Paola Souza ay naghatid ng ikalawang gintong medalya para sa Mexico, matalos gapiin sig Chinese Qing Guo, 2-1; habang pinatalsik ni Do-yun Kwon ng Korea ang defending champion na si Bradly Sinden ng Great Britain , 2-1, sa men’s -68kgs.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE