Ibinulalas ni LeBron James, 38, ang kanyang pagsuporta kay WNBA basketbelle Brittney Griner. Ayon sa Los Angeles Lakers Star, mali ang pag-detained ng Russian authorities dito noong Mayo 3.
Halos 100 araw nang nakapiit si Griner na naaresto dahil sa drug possession. Nangyari ang pag-aresto noong February 17 sa Sheremetyevo International Airport. Kung saan, natuklasan ng Russian officials na may vape cartridges na may hashish oil sa luggage nito.
Sangayon sa batas sa Russia, maituturing na large-scale transportation drugs ang dinala ni Griner. Na maaaring mahatulan ng 10 taong pagkakabilanggo.
“We need to come together and help do whatever we possibly can to bring BG home quickly and safely!!” ani James sa Twitter.
“Our voice as athletes is stronger together.” Sa isang statement na inihayag ng Uninterrupted, suportado nito ang ligtas na pagbabalik ng Phoenix Mercury star sa US.
Subalit, inilagay sa presyur si US president Joe Biden lalo na’t may di pagkakaunwaan ngayon ang US at Russia bunsod ng Ukraine Seige.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!