Kuminang si Lebron James sa pagbira ng 33 points sa isang nice game. Nilunod ng team ang Brooklyn Nets, 106-96. Naglista rin si ‘The King’ ng 7 boards, 6 ast, 3 stl at 2 blks. Nag-ambag naman si Malik Monk ng 22 points at 5 boards.
Si Russell Westbrook naman ay bumuslo ng 15 points at 6 boards. Habang ang nagbabalik na si Anthony Davis ay kumana ng 8 points, 4 blocks at 2 boards.
Sa panig naman ng Nets, nanguna si James Harden sa pagkamig ng triple-double. Nagtala si ‘The Beard’ ng 33 points, 12 boards at 11 assists.
Dikit lang ang laban sa 1st half, ngunit umalagwa ang Lakers sa 3rd. Kung saan, nalamangan nila ang Nets ng mahigit sa 10 points. Inalagaan ng Lakers ang lamang at di nagpatinag. Kaya, hindi na nagawang makaungos ng Nets sa kanilang home court. Sinamantaa rin ng LA ang pagkawala sa laro ng dalawa sa star players ng Nets.
Ito ay sa katauhan nina Kyrie Irving dahil sa protocol at Kevin Durant dahil sa injury.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!