Kasabay ng kanyang 36th birthday, bumida si Los Angeles Lakers star LeBron James sa laro. Nilunod ng Lakers ang San Antonio Spurs, 121-107.
Nakapagtala rin ng milestone ang binasagang ‘The King’. Kung saan, nailista nito ang 1,000 straight game double-digit points.
Gumawa si James ng 26 points. Naiselyo nito ang milestone sa midway ng second quarter, 46-37.
Naungusan na ni James si Michael Jordan at Kareem Abdul-Jabbar sa nasabing record. Si Jordan ay nagtala ng 866 straight double-digit points.
Samantalang si Abdul- Jabbar ay naglista naman ng 787 points. Nagsimula ang double digit scoring streak ni James noong Jan. 6, 2007.
Kung saan, naglalaro pa siya noon sa Cleveland Cavaliers.
“I just try to live in the moment and just try to continue to get better with my game, try to get better with my teammates and try to just maximize when I’m on the floor,” ani James.
“I’ve been blessed to play the game that I love for 18 years and hopefully I can continue to play at a high level,” aniya.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na