
Bumida si LeBron James sa pagsira ng LA Lakers sa ritmo ng Utah Jazz, 106-101. Bumira si ‘The King’ ng 33 points 8 boards at 6 assists. Nag-ambag naman si Russell Westbrook ng 17 points at 7 rebs at 6 ast.
Sa panig naman ng Jazz, bumuslo si Donovan Mitchell ng 37 points, 5 assists at 4 steals. Rumatsada agad ang Lakers sa 1st quarter ng 11-0 run.
Ngunit, nakaungos ang Jazz ng lamang sa ikinasang 21-10 run. Bitbit pa ng Utah ang kalamangan na umabot sa 12 points. Lalo na nang ma-injury si Anthony Davis sa 3rd.
Tumiklop ang bukong-bukong nito nang saluhin ang alley-opp pass ni Malik Monk. Mula run, gumanda ang depensa at opensa ng Lakers. HIndi na nila hinayaan pang masilat sila ng Utah matapos umabanse ng 100-96 lead.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT