Bagama’t nahirapan, nagawa pa ring dispatsahin ng Los Angeles Lakers ang Portland TrailBlazers, 116- 108; sa Game 3 ng Western Conference playoff series. Kaya naman, adbanse na sa 2-1 sa serye ang Lakers.
Kumamada ng 38 points, 12 boards at 8 assists si LeBron James sa Lakers. Nag-ambag naman ng 29 si Anthony Davis.
Umamalay din sa opensa ng Lakers si Kentavious Caldwell-Pope s apagbuslo ng 13 points. Gayundin si Alex Caruso na may 10 points at 7 assists.
Ayon kay James, mas komportable siya ngayon at dapat maging produktibo sila ni Davis sa opensa.
“We try to work off one another,”ani James.
“There are going to be times when he has it going, so I try to do other things like make sure we keep offense going, and keep our pace flowing.”
“Tonight we both had our opportunities. We just tried to make the most of it and live with the results.
Sa panig naman ng Blazers, nagtala ng 24 points at 7 assists si Damian Lillard. Ito’y sa kabila na may iniinda itong dislocated finger.
Nagdagdag naman ng 28 points at 8 boards si CJ McCollum. Ang 36-anyos veteran na si Carmelo Anthony ay nagtapos naman ng 20 puntos.
Narito naman ang full stats ng laro
LAL:LeBron James: 38 Pts. 12 Rebs. 8 Asts. 2 Stls. Anthony Davis: 29 Pts. 11 Rebs. 8 Asts. 2 Stls. 3 Blks. Kentavious Caldwell-Pope: 13 Pts. 3 Rebs. 1 Asts. Alex Caruso: 10 Pts. 4 Rebs. 7 Asts. 1 Blks.
POR:Damian Lillard: 34 Pts. 5 Rebs. 7 Asts. C.J. McCollum: 26 Pts. 8 Rebs. 4 Asts. 2 Stls. 1 Blks. Carmelo Anthony: 20 Pts. 6 Rebs. 2 Asts. 4 Stls. 1 Blks.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!