NAVOTAS CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P1.2 milyon halaga ng ilegal na droga at baril sa leader ng isang “notoryus drug group” matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa nasabing siyudad, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rodolfo Reyes alyas “Ompong”, 43, leader umano ng notoryus na “Ompong Drug Group”, miyembero ng sputnik at residente ng Block 13, Brgy. Longos Malabon City.
Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLT Luis Rufo Jr., kasama ang SWAT team at Intelligence Section ng Navotas police ng buy bust operation sa C3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 10.14 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,952, nasa 9,500 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P1,140,000.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 11 pirasong P1,000 boodle money, ingram X9 shooter, magazine, 5 pirasong bala ng 9mm, motorsiklo, digital weighing scale, cellphone at pocket notebook.
“Hangad namin ang patuloy na kaayusan at matahimik na CAMANAVA at ang kapulisan ng NPD ay gagawin ang makakaya sa pamamagitan ng paglunsad ng serye ng intensibong operasyon para masugpo ang illegal na droga at kriminalidad,” ani BGen. Hidalgo.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON