Alam nating lahat kung gaanong nakakapanlinlang ang salita o mga sabi-sabi na nanggagaling sa mga tao. Pupwedeng ito ay totoo, maaari rin naman na hindi. Ngunit hindi narin nakakapagtakang marami ang nadadala, sa mga matatamis na salita ng kadiliman. Sa panahon na malawak at malayang nangangarap ang mga kabataan, hindi maiiwasang ito’y mabahiran ng mga baluktot na paniniwala at maduduming mga salita.
Muli na namang umaaksyon at umi-epal ang mga taong talaga nga namang nagmamagaling. Communist Terrorist Group (CTG), balik buhay nanaman at tuloy parin sa kanilang mga kalokohan. Pananamantala, panghihikayat at paninira na naman ng mga kaisipan, isa sa mga paborito nilang gawain. Kasama na rin sa “layunin” kuno nila, ang masakop ng tuluyan ang gobyerno at palitan ng isang komunismong pamamahala dahil ayon sa kanila, walang batas-batas at walang pinu-pinuno. Nakakatawang isipin na may mga taong makikitid ang mga utak at ganito pa rin mag isip.
Tama ba ang pamamaraan ng kanilang pamamahagi, pamimilit at karahasan? Ganyan naba kayo ka desperadong makakuha ng atensyon? Nakakaawa naman kayo. Isang mabuting paalala lang, hindi ninyo kontrolado ang tao. Nagmumukha kayong mga stupido. Walang sinuman ang may karapatan na umabuso sa musmos na isipan ng mga kabataan. Kung ang mga pangangatwiran ay nais pang palawigin, hindi ba dapat na hintayin ang katauhan na sumangayon sa pahayag? O baka naman kaya kayo namimimilit kasi alam niyong walang sasangayon sainyo? Kung ito ay iisipin mo rin naman, sino nga naman ba kasi ang gustong gumaya sa isip na mayroon ang mga New Peoples Army?
Walang pumupigil sayo na maniwala sa kung ano ang tingin mo ay tama, maaari mong ibahagi sa iba ngunit huwag mong pipilitin na paniwalaan rin nila ang gusto mo. Kung ano ang paniniwala nila, nasa sa kanila na iyon. Kung ito ay salungat sa iyo at may problema ka, nasa sa iyo na iyon. Walang sinuman ang nasa posisyon na baguhin ang kaisipan ng isang tao kundi siya at siya lamang. Sino ka ba sa tingin mo? Tao kalang, hindi ikaw ang Diyos!
Ang kagustuhan na magkaroon ng pagbabago ay maaaring madaan sa pakikipag-dayalogo at pag-a-alyansa ng mga makabayang programa na nasa ilalim ng pamahalaan. Hindi iyong, ito ay tatrabahuhin ng madumi at hindi patas. Pakatandaan natin na tayo ay nasa malayang bansang Pilipinas at hindi alinlangan ang demokrasyang ating ipinamamalas. Hindi isang pagiging makabayan ang gawing kalasag ang ating mga kasibulan sa pag-aaklas at pagkamit ng inaasam na komunismo.
Ang kanilang pagbabalat-kayo sa mga kilusang may “magagandang adhikain” at “pagkapantay-pantay” ay pawang mga maskara ng kaguluhan, inaasam na karahasan, at malalang pagtalikod sa demokrasyang natatamo. Kung sa tingin ng mga kumakampi ito’y makakabuti, sila ay nagkakamali. Sa simula ay maaaring magmukha itong hustisya, ngunit ito’y madilim na landas ng karahasan na maaring kawakasan ng pagkawala ng mga inosenteng mga buhay. Hubad na katotohanan na ikinikibit balikat lang ng masa. Kailan mo uunawain ang mga ganitong kakahantungan ng mga kamalian? Kapag huli na ang lahat? Hindi naman ata tama ‘yon.
Maaaring ika’y nalinlang lang ng maling paniniwala, ito’y isiping mabuti. Mga kabataan, pakatandaan na ikaw ang ang kinabukasan at ang pag-asa ng inang bayan. Pagpapanatili ng ating bansang malaya ay nasa iyong mga palad. Ang iyong malayang kamalayan na mahuhubog ng magagandang aral at sandigan ang mabubuting ehemplo sa pagdaan ng panahon. Ito ang makakapaglatag ng mga reporma na magtataguyod sa buong bansa. Tulungan ang ating bansa at isantabi ang sariling kapakanan. Abutin natin ang tama at sa tama lang manalig. Para sa buong bayan, labanan mo ang dahas at armadong pakikibaka. Panahon na para ika’y makiisa sa laban ng pamahalaan. Ikaw ang pag-asa ng bayan, kabataang mandirigma para labanan ang baluktot na doktrina.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE