January 7, 2025

LASING NA PULIS, 8 IBA PA NAGPAPUTOK NG BARIL NOONG PASKO AT BAGONG TAON, KULONG

KASONG KRIMINAL at administratibo na posibleng mauwi sa pagkakasibak sa serbisyo ang kakaharapin ng isang pulis na mayroon ranggo na Police Corporal makaraang magpaputok ng kanyang service firearms dahil lango sa alak at inaresto ng kanyang mga kabarong pulis na tauhan ng Rodriguez PNP noong madaling araw ng December 24, 2024 sa Barangay Burgos ng Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang pasaway na pulis na si Police Corporal Marvin  Pineda, 38 anyos, na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Bicutan, Taguig City at residente sa nabanggit na lugar ng Rizal at ayon kay Calabarzon Police Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, agad isinailalim sa inquest proceedings ang suspek nuon December 26, 2024 sa Provincial Prosecutors Office ng Taytay, Rizal.

Maliban kay Corporal Pineda walo pang sibilyan ang kinasuhan din ng indiscriminate firing sa ilalim ng Republic Act. 10591 o Comprehensive Laws on Firearms and Ammunitions Act. sa Region 4A.

Samantala nasa humigit kumulang sa P2,000.000. ang halaga ng mga nakumpiskang mga iligal na paputok ng Police Regional Office 4A na nagresulta ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng fire crackers related injuries meron bilang na 160 mula December 1 to January 1, 2025 kumpara umano nuon nakaraang taon na meron 271 bilang ng mga naputokan simula December 1 to January 2024. (Erichh Abrenica)