INAASAHANG mas maraming pasyente sa Las Piñas City ang mapagsisilbihan sa pagbukas ng operasyon ng COVID-19 testing laboratory na makakatulong din para mapabuti ang testing capacity at recovery rate ng coronavirus disease sa bansa.
Isang grupo ng mga dalubhasa ang nagtungo sa COVID testing facility sa Las Pinas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGH-STC) para tulungan ang pasilidad at sa pagsagawa ng proficiency testing.
Parehong pumasa sa ginawang assessment ang GeneXpert at RT- PCR machines. Pasado din sa proficiency exam ang mga laboratory personnel at napatunayang may kakakayahang magsagawa na pagsusuri gamit ang GeneXpert technology.
Sa susunod na linggo, ang mga laboratory personnel ay sasailalim naman sa proficiency exam gamit ang real-time reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) COVID-19 testing machine.
Welcome naman kay Senador Cynthia Villar, nag-donate ng equipment para magkaroon ng sariling COVID-testing center ang Las Pinas General Hospital, ang naturang development at umaasa itong may itatayo pang kahalintulad na pasilidad sa iba pang lugar sa bansa.
“DOH operated hospitals should have their own testing centers, I hope the Department of Health could fast-track their application because we really need to improve our testing and tracing capacity and the accuracy of reporting of cases in this fight against COVID-19,” pahayag ni Villar.
Ang Las Pinas facility, tulad ng iba pang pasilidad na nag-a-apply ng accreditation ay kailangang dumaan sa multi-stage process ng laboratory assessment.
“With this testing center, patients in Las Pinas City will no longer have to travel far and wait long for results,” ayon kay Villar.
Nagbigay din ang pamilya Villar ng laboratory freezer, biological refrigerator, autoclave sterilizer at passbox sa nasabing pasilidad.
Nagbigay din sila ng tulong para masiguro ang pagsasaayos na lugar na itinalaga bilang COVID testing laboratory na susunod sa pamantayan ng DOH at World Health Organization.
Ang operasyon ng RT-PCR machine na ibinigay naman ng San Miguel Foundation sa LPGH-STC ay magsisimula na sa susunod na linggo.
Nakipag-ugnayan ang foundation kay Public Works Sec. Mark Villar at ipinagkaloob sa LPGH-STC bilang benepisyaryo ng kanilang program para matulungan ang gobyerno sa COVID-19 testing sa pamamagitan ng pagbigay ng test kits sa local local government units at RT-PCR machines sa government hospitals.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA