Muling aarangkada ang ‘Laro’t Saya’ matapos itong matigil dahil sa COVID-19 pandemic. Kabilang ito sa grassroots sports development program ng Philippine Sports Commission (PSC). Ito ay isa ring community based at youth and family oriented event. Halos dalawang taon ding namahinga ang nasabing programa. Subalit ngayon, unti-unti nang ibinabalik ng PSC.
Katunayan, pinuntahan ng PSC Planning and Development Program ang Tagum City. Sa gayun ay maikasa ng paisa-isa ang programa sa sports. Kabilang na rito ang arnis, karatedo, shadow boxing, table tennis, chess, zumba at taekwondo.
Na layung ipakilala at mapalakas ang iba’t-ibang sports sa mga kabataan. Gayundin sa family members at mga matatanda. Sa muling pagpapasigla nito, dumalo ang ilang opisyal ng PSC. Kasama rito sina Alona Quintos at Lilian Nieva.
Karaniwang idinaraos ang Laro’t Saya sa mga piling parke.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo