PINAMUNUAN ng mga Cebuano na sina Florendo Lapiz at Lizane Abella ang labanan sa 42-kilometer event sa qualifying race ng 2024 National Milo Marathon Manila Leg na isinagawa sa kahabaan ng Roxas Boulevard noong Linggo.
Nagsumite si Lapiz, na nagmula pa sa Carcar City, Cebu, ng tiyempong 2:42:33 sa men’s division para ungusan sina Salvador Polillo (2:49:54) at Wilfred Esporma (2:58:51).
Naorasan naman si Abella ng Minglanilla, Cebu, para sa women’s division ng 3:21:05 para talunin sina Maricar Camacho (3:26:19) at Jewel de Luna (3:27:05).
Para kina Lapiz at Abella, napatunayan nilang medyo mahirap ang abnormal na napakataas na temperatura. Tinakbo nina Lapiz at Abella ang kanilang karera nang may matinding paghahangad at pagnanais na makarating sa finish line.
“Ito ang hilig namin eh. Manalo man o matalo, tanggap namin iyon. Nagawa talaga kailangan galingan mo talaga. Gagawin mo talaga ang best mo sa laro na ito,” wika ni Lapiz.
Nalampasan ni Abella si Camacho, na nasa pangalawang posisyon, at nagawang gumawa ng kanyang breakout sa markang 32KM. Sinabi niya na ang pangunahing dahilan kung bakit siya lumalaban sa event na ito ay dahil sa kanyang mga anak.
“Itong race na ito talaga pinaghirapan ko,” wika ni Abella. “Nakakaginhawa talaga para sa akin na kaya kong i-manage ang sarili ko. Ibabahagi ko ito sa aking mga anak.”
Sa National Finals, na gaganapin sa Disyembre sa Cagayan de Oro at pagharap nina Lapiz at Abella laban sa pinakamagaling sa bansa, pareho silang nanalo bilang top seeds. Samantala, nanguna naman si 2019 Southeast Asian Games gold medalist Christine Hallasgo sa women’s class para sa 21K catergory na nakapagtala ng 1:24:27.
Habang si Richard Salano, ay nangibabaw sa men’s class para sa parehong distansiya na tumapos ng 1:08:38.
Sa 10K category, bumida si James Orduna sa men’s division na nakapagsumite ng 0:32:23 habang si Anisha Caluya ay tinanghal na kampeon sa women’s class sa oras na 0:48:03.
Si Noli Torre (O:16:18) ang nanguna sa men’s 5k class habang gayundin ang ginawa ni Shiela Moreno (0:22:08) sa women’s division.
Nilampasan naman ni Robi (0:12:15) ang lahat sa men’s 3K division habang nakakuha ng ginto si Megan Palad (0:14:14) sa women’s side.
Sa shortes distance (1K) umalagwa si Ron Valenzuela (0:03:36) sa men’s side habang pakitang-gilas si Christine Galicia (0:04:19) sa women’s division.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA