April 28, 2024

LAPID, PINASINAYAAN ANG BAGONG PSAU GYM SA PAMPANGA

PINASINAYAAN ni Ang Supremo Senador Lito Lapid ang ipinatayo nitong Senator Manuel “Lito” Lapid Covered Court sa Pampanga State Agricultural University (PSAU), Magalang, Pampanga ngayong araw.

Ang pondo sa proyektong ito ay nagmula sa allocation ng tanggapan ni Sen. Lapid bilang tugon sa kahilingan ng PSAU sa pamamagitan ng Presidente nitong si Dra. Anita G. David at former President Soliman. Sinimulan ipatayo ang proyekto noong 2019, pero nahinto dahil sa pagputok ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Lapid, gusto nyang mabigyan ng magagandang pasilidad ang mga eskwelahan para sa de kalidad na pag-aaral ng mga estudyante.

“Dahil sa kahirapan ng buhay namin noon, hindi po ako nakapag-aral ng kolehiyo kaya high school lang ang tinapos ko. Pangarap ko na makapagtapos ang mga estudyante na syang tatayong haligi at pundasyon ng ating susunod na henerasyon,”  dagdag ni Lapid.

Nagpapasalamat ang higit pitong libong mga estudyante at pamunuan ng PSAU sa covered court na anila’y malaking tulong sa kanilang school activities. 

Dumalo rin sa blessing and ribbon cutting sina TIEZA COO Mark Lapid, Mayor Maria Lourdes Lacson at Councilor Norman Lacson, Dr. Jeronie Baltazar at faculty ng unibersidad.

Nauna rito, nagpatayo rin si Sen. Lapid ng ilang school building sa Don Honorio Ventura State University sa Apalit Campus at iba pang bayan sa Pampanga.