
SINUSUPORTAHAN ni Senador Lito Lapid ang panukalang across-the-board wage increase na ngayon ay nakasalang sa plenaryo ng Senado.
Salig sa Senate Bill No. 2534 na inisponsoran ni Senador Jinggoy Estrada, isinusulong ang dagdag P100 na arawang sahod ng mga trabahador sa pribadong sektor.
Ayon kay Lapid, napapanahon anya ito at isa sa mga batas na kailangan ma-prioritize nila para makaagapay ang mga manggagawa sa private sector sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Sinabi pa ni Lapid na hindi madali ang ganitong uri ng lehislasyon sapagkat kailangan balansehin ang interes ng mga kompanya at interes ng mga empleyado.
“Inaasahan po natin na makatutulong ito sa mga pamilyang pilipino na masabayan kahit papaano ang inflation sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng karagdagang kita pantustos sa kanilang pangangailangan,”
Dagdag pa ni Lapid na makatutulong din ito sa ating ekonomiya sapagkat inaasahan na tataas ang consumption ng ating mga kababayan dala ng pagtaas ng kanilang mga sahod.
More Stories
COMELEC sinampolan sina Marcy at Maan Teodoro sa umano’y vote buying sa Marikina
Cardinal Robert Francis Prevost ang bagong Santo Papa
MAGIC 12 SA SENADO DIKDIKAN – SURVEY