Natapos na ang 11-taon pagtatago sa batas ng isang lalaking akusado sa panggagahasa sa isang 16-anyos na kanyang kapitbahay sa Ormoc City matapos siyang masakote ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Caloocan City.
Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang akusadong si Melvin Jumao-as, 30, tubong Leyte at residente ng Purok 6, Calapakuan, Zambales ay sangkot din sa serye ng mga motornapping incidents sa Caloocan City at kalapit na probinsya at napag-alaman na sub-leader siya ng notoryus “Limos Motornapping Group”.
Siya ay nadakip sa Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong alas-8 ng umaga ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Lt Melito Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal, kasama ang NPD- Regional Intelligence Unit of National Capital Region (RIU-NCR), NPD Highway Patrol Group (HPG) at Ormoc City Police Station.
Ani BGen. Hidalgo, si Jumao-as ay tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Ormoc City na may standing warrant of arrest na inisyu noong July 12, 2011 ni Hon. Judge Clinton C. Nuevo ng Ormoc City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 para sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination na walang inirekomendang piyansa.
Batay sa record, sapilitang hinalay ni Jumao-as ang 16-anyos niyang kapitbahay sa loob ng isang bahay sa Sitio Tongonan, Brgy. Montereco, Ormoc City noong October 09, 2010 at matapos nito ay nagtago ang suspek makaraang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima kontra sa kanya.
Nang makatanggap ng intelligence information si DSOU head Lt. Col. Dimaandal mula sa NPD-RIU-NCR na si Jumao-as ay naispatan sa Bagong Silang, kasama ang grupo ng hinihinalang motornapping syndicate ay agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni Lt. Pabon, sa coordination sa Ormoc City Police Station saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA