PINATAY ng isang selosong lalaki ang boyfriend ng kapatid na babae ng kanyang live-in partner nitong Nobyembre 4 sa Sitio Hillside, Barangay Talmban, Cebu City.
Kahit sugatan, nagawa pang makatakbo ng 28-anyos na biktima ng Barangay Bacayan, Cebu City patungo sa bahay ng kanyang kasintahan para humingi ng tulong.
Bago mamatay, naituro pa ng sugatang biktima sa kanyang girlfriend na sinaksak siya ng live in partner ng kapatid nito.
Tumawag ng ambulansiya ang kasintahan at nanay ng girlfriend nito pero walang dumating na ambulansiya. Kaya isinugod na nila ito sa ospital pero hindi na umabot pa ng buhay.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, na nagalit ang suspek sa biktima dahil sa hinala nito na may relasyon umano ang biktima at kanyang live-in partner.
“Lumalabas na ang biktima ay may relasyon sa magkapatid na babae na pilit na itinatago,” ayon sa pulisya.
Sinabi ng imbestigador ng pulisya na bineberipika rin nila ang mga ulat na kinain ng selos at hinala ang salarin na nagtulak sa kanya para saksakin ang biktima sa dibdib.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek na tumakas matapos ang ginawang krimen at patuloy din ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pagapatay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA