BAGSAK sa kulungan angisang lalaki matapos damputin ng pulisya makaraang mag-amok habang may bitbit na improvised gun sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, iniulat ng isang concerned citizen sa Tanza Police Substation 1 ang hinggil sa isang lalaki na nagwawala at naghahamon ng away habang may bitbit na improvised gun sa Masipag Street, Brgy. Tanza Uno.
Agad pinuntahan ng mga tauhan ng SS1 ang nasabing lugar at naabutan nila ang lalaki na nagwawala subalit, nang makita niya papalapit na mga armadong pulis ay nawala ang kanyang tapang at hindi na pumalag nang posasan siya dakong alas-4:40 ng madaling araw.
Nakumpiska sa suspek na si alyas “Buang” ang hawak na isang improvised gun (pen-gun) na kargado ng isang bala ng cal. 38 saka binitbit siya para sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunations Regulation Act.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang Navotas police sa kanilang agarang pagtugon at na nagresulta sa matagumpay na pagresolba sa insidente.
Aniya, ang NPD ay nananatiling nakatuon sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad sa pamamagitan ng proactive policing at pakikipagtulungan sa publiko.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA