
ARESTADO ang isang lalake habang nasamsam sa kanyang pag-iingat ang tinatayang P400,000 na halaga ng bawal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Sta. Lucia, Pasig City.
Kinilala ni Pasig police chief P/Col. Moises Villaceran Jr. ang suspect na si Verne Español, alias Beng, 49, ng Countryside Street, Barangay Sta. Lucia.
Si Español ay nabatid na nasa drug watch list ng Pasig City Police.
Ayon kay Villaceran, dinakip si Español matapos na magbenta ng bawal na droga sa isang pulis na umaktong buyer sa Countryside, Barangay Sta. Lucia alas 9:30 ng gabi.
Narekober sa suspect ang 17 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang 65 grams at nagkakahalaga ng P442,000 kasama na ang P500 na drug bust money.
Ipaghaharap ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturang tulak ng bawal na droga.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC