TIGOK ang isang lalaki matapos umanong magbigti sa kanilang bahay sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jojo Bayrante, 55-anyos, residente ng Zone 1, Brgy. Sagurong, sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, binisita ng pamangkin ng biktima na kinilalang si Noel Randia upang kamustahin ang kanyang tiyuhin na nagpositibo sa COVID-19.
Nagulat na lang umano siya nang makitang may tali sa leeg ang biktima at nakabitin sa loob ng kanilang bahay.
Agad niya itong ipinagbigay-alam sa kanilang iba pang mga kamag-anak na siyang tumawag sa isang barangay kagawad para ipagbigay-alam din sa pulisya ang nangyari.
Pinaniniwalaan na-depress ang biktima dahil umano sa wala itong kasama sa kanilang bahay dahil sa pagkakasailalim nito sa quarantine matapos na magpositibo sa COVID-19, kung kaya ito umano ang maaring nagbunsod sa biktima na magpakamatay.
Wala na ring balak ang mga kaanak nito na ipagpatuloy ang imbestigasyon dahil naniniwala sila na walang nangyaring foul play sa pagkamatay ng biktima.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO