SUGATAN ang isang matapos paghahampasin ng bote sa ulo ng kanyang kalugar na may matagal na umanong kinikimkim na inggit sa kanya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kaagad na isinugod ng mga nakasaksi sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jay-Ar Severo, 36, ng Orchids St. Brgy. Longos nang duguang bumulagta at nawalan ng malay-tao matapos pagpapaluin ng bote sa ulo ng suspek na si Jerome Roxas, 29, at residente ng Gumamela St. sa naturan ding barangay.
Sa inisyal na imbestigasyong isinagawa nina P/SMSgt. Julius Mabasa at P/Cpl. Rocky Pagindas ng Malabon Police Investigation Unit, ipinaparada ni Severo ang minamanehong trak sa harap ng kanilang tirahan dakong alas-10:10 ng gabi nang biglang sumulpot si Roxas na may hawak ng bote ng alak at hinablot pababa ng trak ang biktima.
Nang mahatak pababa si Severo, dito na siya sunod-sunod na pinagpapalo sa ulo ng bote ng suspek na nasaksihan pa ng helper na si Angelo Cruz, 20, at kapitbahay ni Severo na si Lyn Ivy Bacat, 30.
Mabilis na tumakas ang suspek nang duguan ng bumulagta si Severo kaya’t humingi na ng tulong sa pulisya at barangay ang mga testigo upang maisugod sa pagamutan ang biktima.
Ayon kay SMSgt. Mabasa, matinding inggit aniya ang dahilan ng patraidor na pag-atake ng suspek sa kanyang ka-lugar.
Iniutos naman ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan kay P/Capt. Erick Aguinaldo, hepe ng Sub-Station 5 na nakakasakop sa Brgy. Longos na tugisin ang suspek na hindi na nahagilap sa kanyang tirahan nina P/Cpl Erwin Calda at Pat Marc Roldan Rodriguez na nagsagawa kaagad ng follow-up operation.
More Stories
PBBM nireorganisa NSC… VP SARA, MGA DATING PANGULO OUT!
POC busy na para sa 1st Winter Olympics Harbin Games – Tolentino
Iwas pila… NAVOTAS ISINUSULONG ANG ONLINE BUSINESS PERMITS