BINITBIT sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng mga bala ng baril makaraang tangkaing takasan ang mga pulis na pumara sa kanya dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Caloocan City.
Ayon sa ulat, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa kahabaan ng Malolos Avenue, Brgy., 146, Bagong Barrio dakong alas-10:00 ng umaga nang parahin nila ang suspek na si alyas “Bim” dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.
Sa halip na huminto, tinangkang tumakas ng suspek at pinaharurot ang minamaneho niyang motorsiklo subalit, pinigilan siya ng isa sa mga arresting officer sa pamamagitan ng paghawak sa carrier/handlebar ng likod ng motorsiklo ngunit, nagawang makawala nito.
Gayunman, naharang siya at napahinto ng iba pang mga pulis na nakaposisyon sa di-kalayuan na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at nang kapkapan ay nakumpiska sa suspek ang 50 pirasong bala ng cal. 45 at anim pirasong bala ng cal. 9mm. Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10054 o Mandatory Unse of Motorcycle Helmet, Art 151 of RPC Resistance and Disobedience at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.
More Stories
HAMON NI DUTERTE SA ICC INVESTIGATORS: BILISAN N’YO BAGO AKO MAMATAY
Reward money sa pulis, kinumpirma ni Digong
DUTERTE SASAMPALIN SI TRILLANES SA HARAP NG PUBLIKO (Nagkainitan sa House quad committee probe)