November 18, 2024

Lalaki muling nabigyan ng kinabukasan matapos lagyan ng ari sa braso

ISANG Briton ang naputulan ng ari dahil sa impeksiyon sa dugo na ginawan ng panibagong penis, kung saan pinadagdagan pa niya ito ng dalawang pulgada.

Ayon sa ulat ng The Sun, nakaranas si Malcolm MacDonald, 45, isang mekaniko, ng kakila-kilabot na impeksyon sa kanyang perineum dahilan ng pangingitim ng kanyang daliri, paa at pagkalalaki.

“Ilang taon ko ring ininda ang impeksyon sa aking perineum o ang puwang sapagitan ng anus at scrotum at wala akong ideya sa nangyayari,” sambit ni MacDonald na hiwalay sa asawa at may dalawang anak sa Thetfold, Norfolk.

Halos mabaliw din daw siya nang makita niya ang nangingitim niyang ari tulad ng isang palabas sa mga horror film.

Alam din daw niya sa sarili niya na maaring mawalan na siya ng kinabukasan kapag naputol na ang kanyang ari.

Dumating nga ang kinakatakutan niyang araw nang bigla na lamang gumulong sa sahig ang kanyang kargada noong taong 2014 – pero nanatiling nakakapit ang kanyang bayag, ayon pa sa ulat.

Tuluyan na ngang nawalan ng pag-asa si MacDonald kaya’t pinulot niya ang kanyang ari at itinapon sa basurahan.

Dahil dito, dalawang taon siyang naging lasenggero. Nahirapan ito nang husto sapagkat nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili at dumating din sa punto na hindi na niya kayang humarap pa sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Hanggang sa isang araw ay nalaman niya sa kanyang doktor ang tungkol sa tinatawag na “penis master” na kinilalang si Professor David Ralph ng London’s University Collage Hospital.

Ayon sa The Sun, kilalang-kilala ang phallus expert dahil siya lang naman ang lumikha sa “bionic penis” ni Andrew Wardle na isininalang na walang ari.

Naging emosyunal daw si MacDonald sa “arm gradft procedure” na tumagal ng dalawang taon.

Sa kabutihang palad, hindi lamang siya makaiihi nang maayos kundi maari pa siyang makipagtalik gamit ang ari sa kanyang braso.

Nabuo raw ang ari sa braso ni MacDonald sa pamamagitan ng kanyang blood vessels at nerves, at balat mula sa kaliwa niyang braso.

“When I saw it on my arm for the first time I was so, so proud. After everything I had been through it didn’t feel weird at all — it was just a part of me,” saad niya.

Sa kabila nito, hindi pa naililipat ang bago niyang penis makalipas ang apat na taong procedure dahil sa iba’t ibang dahilan at ngayon ay dahil sa pandemic.

Pero umaasa si MacDonald na maikakabit na ito sa pagitan ng kanyang mga hita bago matapos ang taon.