September 8, 2024

LALAKI KINATAY NG EX NG LIVE-IN PARTNER (Habang natutulog sa tricycle)

UTAS ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner habang natutulog sa isang tricycle sa Diosdado Macapagal Boulevard, Pasay City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagpapahinga noon ang biktima na si alyas Mohamad at kanyang live-in partner na si alyas Vilma bandang alas-3:00 ng hapon nitong Martes.

Nang bilang sumulpot ang suspek na si alyas Saidali, residente ng Quiapo, Manila.

Dead on the spot ang biktima, samantalang hindi nagtamo ng mga sugat ang babaeng kaniyang kasama nang agad itong makatakbo palayo mula sa suspek.

Ayon sa pulisya, selos ang isa sa mga tinitingnan nilang motibo, matapos maghiwalay umano ang babae at ang suspek.

Dagdag nila, pawang mga residente ng Quiapo, Maynila ang tatlo.

Patuloy ang pagsasagawa ng manhunt operation sa suspek, na tumakas sakay ng motorsiklo makaraan ang pananaksak.

Hindi na nagbigay ng kaniyang panig ang babae.