DEDBOL ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Malabon City, Biyernes ng madaling araw.
Agad binawian ng buhay sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktima na nakilalang si Kenneth Lozada, 24, ng Blk 34, Lot 11, Malipoto St., Brgy. NBBS, Navotas City.
Sa report nina PMSg Michael Oben at PSSg Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C4 Road, Brgy. Tañong, Malabon.
Base sa pahayag sa pulisya ng saksi na si alyas “Hayden”, 22, nakita niya ang biktima na nakatayo sa nasabing lugar nang dumating ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo at kapwa walang sout na helmet saka huminto malapit kay Lozada.
Sa hindi malaman na dahilan, bigla na lamang binaril ng dalawang beses ng mga suspek ang biktima bago mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Navotas City.
Ini-utos na ni Col. Baybayan sa kanyang mga tauhan na suriin ang kuha ng mga CCTV camera na nakakabit sa nasabing lugar na maaring makatulong para matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at sa pagkakaaresto sa mga ito habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima. (JUVY LUCERO)
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI