January 20, 2025

Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan

SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos tangkain pumalag sa parak at makuhanan pa ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.

Sa report ng Caloocan City Police Station kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Barangay 175, Camarin, nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nagta-transaksyon umano ng ilegal na droga dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nang mapansin ng dalawa ang kanilang presensya, nagtangkang tumakas ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner si alyas “Tobats”, habang nakatakas naman ang kasama nito.

Nakuha sa suspek ang isang medium-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 49.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P337,280.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Disobedience to a Person in Authority) at Section 11, Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Caloocan police sa kanilang pagbabantay at dedikasyon. “Their swift action in arresting the suspect and enforcing the law is a testament to the unwavering commitment of the entire police force to making Metro Manila a safer place for all,” pahayag niya. (JUVY LUCERO)