
SWAK sa rehas na bakal ang isang lasing na lalaki matapos maghasik ng takot makaraang magwala at maghamon ng away habang armado ng baril sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa ginagawang panggugulo ng isang lasing na lalaki sa Champaca Street.
Agresibo din nitong hinahamon ng suntukan ang mga bystander habang winawasiwas ang hawak na baril na dahilan upang magdulot ng labis na pangamba sa mga residente sa lugar.
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Jeffrey”. 24, dakong alas-5:20 ng madaling araw.
Nakuha sa suspek ng mga tauhan ni Col. Cortes ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala at nang hanapan siya ng mga dokumento hinggil sa legalidad nito ay wala siyang naipakita.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandals), R.A 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code) sa Navotas City Prosecutor’s Office.
More Stories
KOREAN SCAMMER NA MAY P400-M KASONG FRAUD, NASUKOL NG BI
39 foreign workers sa Telco sa BGC, naaresto ng Bureau of Immigration
Tulak, tiklo sa Malabon drug bust