SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang 30-anyos na lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa umano sa isang dalagitan sa Valenzuela City.
Kinilala ni PCol Salvador Destura Jr ang arestadong suspek na si Jerome Francisco, alyas “Jeje”, at residente ng Barangay Isla, Valenzuela City.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-12:15 ng hatinggabi, habang nag-aabang ng masasakyan ang 17-anyos na biktima galing sa inuman nang lapitan ng suspek na nakasakay sa bisikleta at tinanong ang pangalan ng dalagita.
Matapos magtanong ay pilit umanong isinakay sa bisikleta ang dalagita at dinala sa abandonadong bahay sa Barangay Mabolo at doon ay sapilitan umanong ginahasa ang biktima.
“Tinakot daw po sya ng suspek na papatayin kaya hindi na daw po sya nakalaban. Nung nag-c.r. daw po itong suspek doon daw po siya nakatakas at humingi ng tulong sa isang ‘concerned citizen’, na nagdala sa kanya sa barangay,” pahayag ni PCpt Reymund Andujar, hepe ng substation-5.
Kaagad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis ng substation-5 kasama ang mga barangay tanod ng barangay Isla hanggang sa madakip nina PCpl Nelson Bendanillo at Pat Mark Benson Tan si Francisco.
Ayon kay PCpt Jocelyn Ebora, hepe ng Women and Children’s Protection Desk, si Francisco ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law of 1997) in relation to R.A. 7610 (Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
More Stories
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Hall’, Nasa YouTube na!
Gatchalian: Pag-amyenda sa Teachers Professionalization Act layong iangat ang edukasyon sa bansa
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU