
Nakapuga ang Los Angeles Lakers at tinagpas ang 3-game losing streak. Sinuntunado ng Lakers ang ritmo ng Utah Jazz sa isang exciting game, 101-95. Bumida sa laro si LeBron James na nagtala ng 25 points, 7 boards at 7 assists. Nag-ambag naman si Russell Westbrook ng 15 points, 8 boards at 3 assists.
Lumagare naman ang recruit na si Stanley Johnson ng 15 points at 5 boards. Sa panig naman ng Jazz, naglista si Rudy Gobert ng 19 points, 16 boards at 3 blocks.
Mula umpisa ng laban ay pukpukan ang dalawang teams. Palitan ng lamang. Nakalamang pa ang Jazz ng 10 points sa 3rd quarter. Pero, nahabol ng Lakers.
Gumanda ang depensa at opensa ng huli nang nasa loob na si Johnson. Intense pa rin ang laro s ahuling 5 minutes ng laban. Hanggang sa umalpas na ang Lakers sa bandang huli.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT