
Dinomina ng Los Angeles Lakers ang 2nd half sa isang blowout win kontra Sacramento Kings. Pinutungan nito ng koronang tinik bago lunurin ang Kings sa iskor na 117-92. Bumira si Anthony Davis para sa Lakers sa paglista ng 25 points. Kasama na rito ang 7 boards at 3 assists.
Nag-ambag naman si Russell Westbrook ng 23 points, 5 boads at 6 assists. Kumana naman si Malik Monk ng 22 points at 4 rebounds.
Lamang ang Kings sa first half ng laro bago rumatsada ang Lakers sa pagtapyas ng 14 point lead ng Kings. Hindi nakasagot ang Kings sa mahigit na 7 position. Kaya, nakahabol ang Lakers sa 72-all.
Mula rito, tinambakan na ng LA ang Sacramento sa 3rd quarter. Umabot ang lamang sa 19 points. INalagaan na nila ang kalamangan hanggang sa matapos ang regulasyon.
Sa iba pang laro, sinalpok ng Portland TRailBlazers ang Detroit Pistons, 110-92. Bumida sa blow-out win ng Portland si CJ McCollum na gumawa ng 28 points.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT