Dahil sa pananakit ng kanyang right groin, hindi naglaro si LeBron James sa Los Angeles Lakers. Sinamantala ito ng Houston Rockets at pinasabog ang Lakers sa iskor na 113-97.
Bumida sa panalo ng Rockets si James Harden sa pagkamada ng 39 puntos at 12 assists. Malaking bagay ang ginawang 21 of 37 sa 3-points ng Rockets. Samantalang 2 of 19 lang ang sa Lakers.
Samantala, nagtala naman ng 21 points si Kyle Kuzma para sa Lakers. Habang 17 points at 12 boards naman ang inambag ni Davis.
Kung hindi naglaro si LeBron sa Lakers, hindi rin naglaro si Russell Westbrook sa Rockets. Iniinda kasi nito right quadriceps. Ngunit, tumulong sa pagbuhat sina Robert Covington at Austin Rivers kay Harden para sa Rockets.
Kulang din sa tao ang Lakers sa katauhan ni Rajon Rondo. Gayunman, ang pagkatalo ng team ay hindi nakaapekto sa kanilang standing sa Western Conference.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT