November 2, 2024

LAKERS, NILUNOD ANG KNICKS SA OVERTIME

ANgele

Nakaalpas ang Los Angeles Lakers sa isang crucial game kontra New York Knicks. Nilunod ng Lakers ang Knicks, 122-115 sa overtime. Gumawa ng 86 points combination ang ‘Big 3’ ng Lakers sa nasabing laro.
Bumira si LeBron James ng triple-double sa come back win. Nagtala ito ng 29 points, 13 boards at 10 assists. Nag-ambag naman si Malik Monk ng 29 points. Samantalang si Anthony Davis naman ay lumagare ng 28 points, 17 boards at 4 blocks.


Sa panig naman ng Knicks, kumana si RJ Barrett ng 36 points at 8 boards. Habang si Julius Randle ay sumipra ng 32 points at 16 boards.
Sa 1st quarter pa lang ay rumatsada agad ang New York sa opensa. Nalamangan nila ang Lakers ng 20 points. Nahabol naman ito ng LA. Pero, umalpas pa rin ang Knicks.


Nag-iba ang scenario nang makahabol ang Lakers, 79-78 sa 3rd quarter. Bitbit nila ito hanggang 4rth. Pero, naglaho ang 9 point lead at nauwi sa overtime ang laro, 111-111. Gayunman, dahil sa magandang opensa at depensa ng LA, di nakasilat ang Knicks.