
Natakas ang Los Angeles Lakers sa intense game kontra Miami Heat sa overtime. Nilunod ng una ang huli sa iskor na 120-117. Bumida si Malik Monk sa pagbira ng 27 points off the bench. Kasama na rito ang 6 boards at 3 assists.
Nag-ambag naman si Russell Westbrook ng 25 points, 14 assists 12 reb at 2 blk. Habang si Anthony Davis naman ay kumana ng 24 points, 13 boards at 4 assists. Sa panig naman ng Miami, nanguna si Bam Adebayo sa pagbuslo ng 28 points. Gayundin ang 10 boards at 6 steals.
Si Tyler Herro naman ay rumekta ng 27 points, 4 boards at 3 assists. May record sa standings ang Lakers na 7-5, pangpito sa West Conference. Habang ang Heat ay 7-4, panglima sa Eastern Conference.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT