Kung ang ibang team ay nangangamba sa nalalapit na pagbubukas ng NBA restart, hindi alintana ng Los Angeles Lakers ang banta ng Covid-19 pandemic.
Sa kabila na ang nagkakaroon ng problema sa ibang team dahil sa ilang sitwasyon na may kaugnayan sa pandemya, gaya ng pagkaka-positibo ng ilang NBA players at staff sa Coronavirus, positibo naman ang Lakers sa ginagawang hakbang ng kanilang koponan.
Ayon kay Lakers general manager Mitch Kupchak, ginagawa nila ang kaukulang hakbang upang iangatan ang mga players at staff ng koponan. Sinusunod nila ang protocol habang nagsasabay sa Orlando.
“We’re doing great regarding to the situation. Our organization is in great shape within the staff and players. We’re eyeing the chip and that’s our goal,” saad ni Kupchak.
Sa pinost na video ng practice ng team sa kanilang social media account, masaya ang mga players bagama’t ginagawa nila ang social distancing.
Makikita sa kanilang mukha ang kumpiyansa sa muling pagbabalik ng liga ngayong buwan. Ayon naman kay Lakers coach Frank Vogel, masaya siya sa ipinapakitang kondisyon ng kanyang mga players.
Aniya, desidido ang mga bata niya na malambat ang kampeonato ngayong season.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2