Lalo pang nalubog sa pagkatalo ang Los Angeles Lakers matapos muli silang biguin ng Denver Nuggets sa paghaharap ngayong araw para sa Western Conference ng NBA.
Para sa ikatlong sunod na laro, nagkaroon ng double-digit na lead ang Lakers sa Nuggets.
Nakaabanse ang Denver laban sa Los Angeles sa karamihang parte ng laro at na-outscore pa ang Lakers 34-22 sa ikatlong quarter.
Sa kabila ng 33 puntos mula kay Anthony Davis, 26 puntos at siyam na assist mula kay LeBron James at maging 22 puntos at apat na steals mula kay Austin Reaves, nabigo pa rin ang Lakers sa Nuggets sa ika-11 sunod na pagkakataon.
Maging si Charles Barkley ay tila nagpahiwatig na ng isang sweep, makaraang ilabas ang walis sa set.
Dahil dito, inaasahang ibibigay ng Lakers ang lahat ng mayroon sila para mapanatiling buhay ang kanilang season sa Sabado ng gabi. RON TOLENTINO
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK