NAGSAGAWA ang mga miyembro ng Akbayan partylist ng signature campaign sa MRT-3 Quezon Avenue upang himukin ang Department of Transportation (DOTr) na palawigin ang operating hours ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.
Layon ng kampanya na makakuha ng suporta mula sa mga commuter sa pagsusulong ng pagkakaroon ng mass transport options para sa mga empleyadong night shift employees, tulad ng Business Process Outsourcing (BPO) agents.
Welcome para kay Akbayan Youth Secretary General Khylla Meneses ang naging anunsiyo ni DOTr Secretary Jaime Bautista kamakailan lang na palawigin ang train hours sa panahon ng holidays, subalit umaasa siya na maging permanente na ang naturang inisyatiba.
“Gift na dapat natin ngayong holidays sa ating mga night shift workers yung extended operating hours, pero we want this to become permanent kasi buong taon naman na ang need na iimprove ang commuting experience,” saad niya.
Nanawagan din si Meneses sa gobyerno na dagdagan ang budget para sa modernisasyon at maintenance ng LRT at MRT stations at mag-hire ng technical personnel na magme-maintain nito para tiyaking ligtas ang mga pasahero.
“Naniniwala tayo na dapat talagang taasan ang budget na nilalaan for our public transportation systems so we can invest in modernizing these systems and hiring the technical personnel na magmemaintain nito,” ayon kay Meneses.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust