LUMAKAS ang pag-asa ng Far Eastern University na makapasok sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament Final Four matapos nilang talunin ang Adamson University.
Pinayuko ng Lady Tamaraws ang Lady Falcons, 25-19, 25-23, 25-23, ngayong araw sa Araneta Coliseum sa Queozn City at ang tagumpay na ito ang nagtulak sa kanila para sa 6-4 sa standing ng liga.
“Syempre sa kinalalagyan namin ngayon, parang mas gigil pa kami na mas makamit yung goal namin na yun nga, pumasok sa Final Four, at mabawian yung mga natalo kami nung first round,” saad ni head coach Nols Refugia matapos ang laro.
Muling bumida si Faida Bakanke para sa Morayta-base squad, na nakapagtala ng 13 points mula sa 11 attacks at dalawang blocks, nakapag-deliver naman si Chen Tagaod ng 13 markers, pitong reception at apat na digs, na sinundan ng 10 puntos ni Jean Asis. “For me, parang mas naging inspiration samin na bumawi talaga kasi nga, may goal kami — Final Four. So hindi dapat namin bitawan yung goal namin na yun and talagang di lang doble, tripleng trabaho talaga para mas makuha namin,” sambit ni Tagaod, na ibinahagi ang sentimiyento ng kanilang coach.
Then siguro nakakuha kasi ng [momentum mula sa] panalo dun sa Ateneo bago sa Adamson, so nadala namin yung momentum namin ngayon sa Adamson,” dagdag niya.
Hararapin ng FEUÂ ang University of Sto. Tomas sa Sabado, 4 PM, sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila, habang hangad naman ng Soaring Falcons na makabawi laban sa Univeristy of the Philippines sa parehong araw at venue sa ganap na alas-2:00 ng hapon. RON TOLENTINO
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI