May 4, 2024

LADY COUNCILOR PINATAY NG DATING KARELASYON NA PULIS

Arestado ang isang pulis sa isinagawang hot pursuit operation matapos pagbabarilin at patayin ang isang 33-anyos na konsehala sa Guimba, Nueva Ecija.

Ayon sa imbestigasyon, kinilala ang suspek na si Patrolman Saddam Pascual, 32-anyos, nakatalaga sa Agoo Police Station sa La Union, dating kasintahan ng biktimang si Angelique Alexis Paulino, konsehala sa bayan ng Sto. Domingo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing papunta sa isang reunion si Paulino nang tambangan siya sa bahagi ng Nueva Ecija-Pangasinan Road sa bayan ng Guimba.

Walong tama ng bala mula sa hinihinalang 9mm na baril ang tinamo ng biktima.

Sinasabing matinding selos ang naging motibo ng suspek para patayin ang konsehala.

Wala pang pahayag ang suspek pero umamin ito sa nagawang krimen.