September 28, 2024

LADY CHAMP SANTOS POPOKUS NA SA ’23 PHL 9-BALL OPEN

BAGAMA’T dominado ng mga kallakihang bilyarista, tiyak na aagaw ng eksena ang bagong billiards sensation na si Denise ‘Denden Santos sa pinakamalaking prestihiyoysong local na torneo sa larangan ng billiards.

Matapos  ang matagumpay na kampanya bilang kampeon ng Lion Cup Invitational 9-Ball Championship sa Singapore,popokus naman si lady pool shark  Santos  sa isang dambuhalang  torneo ng mga pinakamagagaling na bilyaristang lokal na  lalaki at babae  sa bansa.

Prayoridad ng 26-anyos na Entrepreneurship graduating student ng Polytechnic University of the Philippines ( PUP)na  si Santos sa 2023 Philippine 9- Ball Open sa Sharks Billiards Hall na nasa  Quezon City mula Abril 22 hanggang 28.

” Konting pahinga lang then focus na para sa ‘ Open’ na kailangang  lahukan dahil magsisilbing ranking event ito ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP)..sargo uli tayo!, wika ng pride ng Pateros na lumaki at unang naglaro ng larangan sa bilyaran ng kanyang ama sa kanilang komunidad.

   Ang pagsisikap ni Santos na umangat pa ay bahagi na ito  ng kanyang ambisyong makalaro para sa bansa tulad ng SEAGames Asiad at World Championship.

   Ang Philippine 9-Ball Open ay suportado ng  Bugsy Promotion,Hardtimes,V-Lugaw,Hardtimes at Sharks.