November 3, 2024

LACSON SINOPLA SI ROQUE: WALA AKONG TARPAULINS (Pandemya ginagamit daw sa pamumulitika)

MAYNILA – Ang pagiging kritikal ay hindi katumbas ng pamumulitika.

Ito ang tugon ni Senator Ping Lacson sa tila patama ni Presidential spokesman Harry Roque sa  bumabatikos sa pandemic response ng administrasyon na ginagamit ang health crisis para sa political gains.

Matatandaan na sinabi ni Roque na tumitindi na ang politika dahil malapit na ang eleksyon at kung papaano ginagamit ng ilang politiko ang pandemya laban sa administrasyong Duterte.

“If those who want to win have any conscience left, they should help by giving solutions to this pandemic instead of taking advantage of it for their selfish political gains,” saad ni Roque sa weekly briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte na umere noong Lunes ng gabi.

Walang binanggit na pangalan ang opisyal pero nilabas niya ang pahayag matapos kuwestiyunin nina Lacson at Senadora Risa Hontiveros kung nasaan na ang bilyon-bilyong pisong inutang ng gobyerno sa World Bank, Asian Development Bank, at Asian Infrastructure Investment Bank pambili ng COVID-19 vaccines ng mga Pilipino. “Really? Harry, are you serious? Just because I criticize, pamumulitika na? Wala akong tarpaulins. Pag nagbibigay ako ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang nangangailangan, tulong lang talaga kaya walang media coverage,” tugon naman  Lacson sa kanyang tweet.

“I can enumerate to you privately if you want proof,” dagdag pa niya.