BILANG bahagi ng patuloy na pagsisikap nitong isulong ang amnesty program ng gobyerno, aktibong lumahok ang Local Amnesty Board (LAB) – Isabela City at Basilan secretariat sa paglulunsad ng Good Governance Isabela (GoGo Isabela) Caravan.
Ginanap ang event sa Isabela City Gymnasium at itinampok si Baguio City Benjamin Magalong bilang keynote speaker.
Ang Gogo Isabela ay isang mahalagang bahagi ng Local Government Unit’s Information Revolution (INFO REVO) program, na pinangunahan ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, na nagsisilbi rin bilang Chiarperson ng LAB Isabela City, Basilan.
Sa naturang programa, namahagi ang LAB secretariat ng application forms, na may kompletong requirement checklist at contact details, sa mga barangay officials ng MNLF community na dumalo.
Ang pagsisikap na ito ay hudyat ng pagsisimula ng partisipasyon ng LAB sa mga serye ng GoGo Isabela information dissemination activities, na nakatutok sa amnesty application process bilang bahagi ng peace at conflict resolution intiatives.
Bilang karagdagan sa naturang event, nag-courtesy visit ang LAB sa 101st Infantry “Three Red Arrows” Brigade at tinalakay kay AFP LAB member Deputy Brigade Commander Col. Frederick Sales, PA (MNSA) ang proseso ng pagberepika at pag-imbestiga sa mga alegasyon at impormasyon na ipinagkaloob sa amenesty application.
Dumalo rin sa nasabing event si Hji. Sam Ahaddin, ang MILF CCCH representative sa Basilan, upang magbigay ng mga katanungan mula sa MILF potential applicants kaugnay sa mga saklaw na krimen at benepisyo ng amnesty program na agad sinagot ng secretariat.
Pinagtibau ni Col. Sales ang commitment ng AFP sa pagsuporta sa law enforcement agencies sa tagumpay na pagpapatupad ng amnesty program ng pamahalaan. Binigyang-diin din niya ang mahalagang tungkulin ng AFP sa pagbibigay ng crucial security, intelligence at logistical assistance at nagpahayag ng matibay na intensiyon upang makipagtulungan sa LAB sa lahat ng mga aktibidad na may kaugnayan sa peace process.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA