INANUNSIYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magsisimula na ang La Niña phenomenon.
“Recent oceanic and atmospheric indicators signify La Niña is present in the tropical Pacific,” ayon sa PAGASA.
Sa pagtataya ng PAGASA, asahan daw na maramramdam ang ‘full blown’ ng La Niña sa katapusan ng Oktubre o sa unang bahagi ng buwan ng Nobyembre.
Paliwanag pa ng PAGASA, inaasahang labis na tatamaan ng La Niña ang silangang bahagi ng Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas at Mindanao.
Kasunod nito, nagbabala ang PAGASA sa publiko, na dahil sa La Niña, asahan na ang pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang magiging sanhi ng labis na pag-uulan.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR