May 18, 2024

Kisses Delavin pinakamagandang babae sa Pilipinas

ANG Kapuso actress na si Kisses Delavin ang tinanghal na “Most Beautiful Woman in the Philippines” para sa 2020, ayon sa online poll ng entertainment site na Starmometer.

Nakabig ng dating housemate ng “Pinoy Big Brother” ang 2,180,769 na boto, kung saan pinataob nito sina Maine Mendoza, Nadine Lustre at Kathryn Bernardo.

Nakopo ni Maine ang ikalawang puwesto sa botong 1,873,741, habang ang two-time titleholder na si Nadine ay nasa ikatlong puwesto na may botong 1,406,627.

Si Kathryn naman, na nanalo sa botohan noong nakaraang taon, ay nasa ikapat na puwesto na may botong 905,596.

Ito na ang pangalawang beses ni Kisses na mapabilang sa mga nangunguna sa botohan, matapos mapasama ang kanyang pangalan noong 2018 bilang isa sa pinakamagandang babae sa Pilipinas.

Kabilang sa mga bagong entry ay sina Adriana So, na nasa ikalimang puwesto, habang sinundan naman ito nina Jennylyn Mercado, Julie Anne San Jose, Loisa Andalio, Marian Rivera and Sanya Lopez na nasa ika-6 hanggang 10 na puwesto.

Sa loob ng 15 taon ng botohan, si Angel Locsin pa rin ang may hawak ng record na pitong beses na hinirang bilang Most Beautiful Women sa Pilipinas.