Malamang na sumampa si Kyrie Irving sa Hollywood dahil sa ilang sirkumtansiya. Nasa free agency na ito at maaaring lumipat ng ibang team. Hindi kasi naayos ang usapin sa pagitan ni Irving at ng Brooklyn Nets.
Tinagpas ng 7-time All Star ang player option na $36.9 million by June 29. Ito ang naging dahilan para mabilang siya bilang free agent. Ayon sa multiple reports, napipisil na ikamada ni Irving ang sarili sa Los Angeles Lakers o Clippers.
May average si Irving na 27.4 points, 5.8 assists at 4.4 rebounds. Nakapaglaro siya ng 29 games nitong nagdaang season. Hindi naman siya nakapaglaro lalo na sa ilang home games dahil sa unvaccinated status.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2