May 19, 2024

Kyline Alcantara, sinisisi si Paolo Contis sa pambabae ni Mavy Legaspi?

Usap-usapan ng mga tsikadora na bad influence daw itong si Paolo Contis kay Mavy Legaspi, dahil nang makasama raw nito si Paolo Contis ay nagsimula na itong mambabae.

“Pero pinabubulaanan naman ito ng kampo ni Kyline Alcantara, wala raw ganoong pagbibintang ang actress. Kaya huwag daw itong idamay, kasi unfair nga naman dahil wala namang ganoong sinasabi si Kyline.

“Simula nga nang magkaroon sila ng isyu ni Mavy Legaspi, sumasagot lang siya kapag malubha na ang isyu at hindi raw niya ugali ang mandamay ng ibang tao.

“Tungkol naman sa pagbabanta ng kanyang manager, naunawaan ni Kyline Alcantara iyon, pero sana raw bago magbanta ay alamin daw muna kung talagang pinaratangang bad influence nga ang kanyang alaga.” kwento pa ng aking source